Tuesday 9 January 2018

When problem comes!!

No imikan session! 


Pag problema na ang usapan di ko magawang pigilan ang sarili ko na hindi ma-stress minsan nga umaabot pa sa punto ng pag ka-depressed. Napaka-hirap lalo na kung wala ka namang alam na paraan para solusyonan ang problemang iyon. Nakakapagod  mabuhay sa mundong ibabaw lalo na kung anjan ang mga suliranin sa buhay buhay. ang mga pagsubok at mga hirap. Tao lang din tayo, hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi naman pwedeng masaya lang hanggang dulo. Hays!

Ngayong gabi, wala kaming imikan session ni mother earth :-( dahil na naman sa walang katapusan na issue namin. Ang hirap lang sa feeling na hindi kayo okay, di mo alam kung saan mo sisimulan, hindi mo alam kung paano mo lalapitan, kakausapin, o kaya lalambingin. Hindi kami sanay sa mga ganung gawain na kapag may problema o tampuhan e lalambingin na lang basta o kaya naman tatanungin ng deretsahan na kung okay ka lang? When the problems is between mother and daughter its hard and complicated. I can't stand with this situation :-'( Parati na lamang ganito, kung may magagawa nga lang ako edi sana hindi ganito. Nakakaiyak !!! ang bigat sa pakiramdam na alam mong may sama ng loob sayo ang magulang mo hays. Siguro yung iba may magagawang mga solusyon pero ako? wala! mahina ako e. Sobrang hina pagdating sa problema. Ito talaga ang greatest weakness ko. I can't handle with myself only. Kelangan ko ng guide and advice from others. Huhuhu

Paano na? nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon. May sinend pa sakin ate ko na chat ni mama, at alam kong sa bawat salita na binitawan niya e mahirap at masakit para sa kaniya. Nakakakonsensya bilang anak na nagkakaganun ang magulang mo dahil sa sarili niyong kapabayaan kaya kung ano sa inyo, value your parent the most! Sila ang pinaka-mahalagang tao dito sa mundong ating ginagalawan. "Sorry ma, sorry sa lahat. Diko man masabi sayo to ng harapan, pero sana maramdaman mo. Sorry kung nagagalit yung mga kapatid ko sayo ma, dahil sa kagagawan ko. Kasalanan ko naman talaga lahat e!"  Lagi ko pinapanalangin na maging maayos tayong lahat sa araw araw pero ako rin naman ang gumagawa ng way para magkagulo. Napaka-useless ko talagang tao. Di ako nararapat sa mundong ito. Sana kung mawawala man ako e yung hindi nila ako maalala o kaya naman yung madali nila akong makalimutan para hindi masakit sakin kung mawawala man ako. 

Hanggang dito na lang, 

Ang walang sawang,
          si Ako



Friday 5 January 2018

Kim EZ — By Your Side [Han|Rom|Eng] Lyrics Meloholic OST Part 5

Siya (Unknown)


Hapon na non, pauwi na ako galing school. Nakatapos din mag-enroll sa hinaba-haba ng araw na ito. Sumakay ako ng jeep, byaheng Rosario pauwi pagkasakay ko nagsi-sakayan na rin ang iba pang mga pasahero pero sa dinami-dami nila may isang pumukaw ng atensyon ko. 

Siya! siya na unang taong tumingin sakin. Siya na sa bawat minuto napapansin kong tinitingnan niya ako. Siya na alam kong gusto niya ng response ko. Alam kong nagmumukha akong assumera pero may "Instincts" tayong tinatawag. Habang umaandar na ang jeep na sinasakayan namin lingon pa rin siya ng lingon patalikod para masulyapan ako at ako syempre naiilang kaya binabaling ko sa iba ang paningin ko pero dun sa alam kong kita parin ng peripheral vision ko para ma-assure ko kung sakin nga ba talaga siya tumitingin. Kasi sa una akala ko natural lang na makatinginan mo yung mga katapatan mo sa upuan, pero siya iba siya e halos maya't maya.
Ako? Distructed ako kasi hindi naman ako sanay ng tinitingnan ng sino-mang lalaki dahil akoy isang hamak na wala lang naman dito sa earth hahaha! Pero siya! siya yung nagpa-realize sakin na may pwede rin palang makapansin sakin Hahah feeling maganda tuloy ako XD charowt. At the time goes by, habang papalapit na ng papalapit ang oras ng pagbaba ko, sinimulan ko na siyang ngitian kasi natatawa na ako sa ginagawa naming sulyapan. Ni ha ni ho diko alam ang ibig niyang sabihin so ako nginitian ko na, baka kasi isipin niya na napaka snobber ko e hindi naman ako maganda dba? haha. So yun, tawang tawa na talaga ako sa isip ko tas nagtatakip ako ng panyo para pigilan ko yung tawa ko at para na rin hindi niya mapansin hahaha.


Kung idedescribe ko siya? Hmm Chinito, maputi, hindi payat hindi mataba yung sakto lang kumbaga, tas nasa 5'4 siguro, then narinig ko pa nung nagbayad siya, student daw siya and I dont know form what school. Haha sayang! Dapat kasi pag nagbabayad kelangan sabihin ang Name, Number and address para hindi ako ganito na parang out of nowhere hahaha. Joke!

Time end
Ito na yung oras na "papara" na ako , para bumaba hahayst! :-( so sad naman. But unexpectedly pagkatapos kong pumara napatingin ako sa kaniya ng hindi sinasadya, yun pala nakatingin ulit siya then nag smile ako, nag-smile din siya. Whooo! Bigla tuloy akong pinawisan pagbaba ko hahaha. Jusko Lord! sana pagkrusin niyo po ulit ang landas namin, baka siya na hinihintay ko hahaha! pero kung hindi pa talaga panahon para sakin ang lovelife, Im willing to wait pa rin naman. Too young to be serious hehehe. 

So yun, Thats all
I hope to see you again.
We met once and you make my Heart <3 fluttered easily.