Tuesday 9 January 2018

When problem comes!!

No imikan session! 


Pag problema na ang usapan di ko magawang pigilan ang sarili ko na hindi ma-stress minsan nga umaabot pa sa punto ng pag ka-depressed. Napaka-hirap lalo na kung wala ka namang alam na paraan para solusyonan ang problemang iyon. Nakakapagod  mabuhay sa mundong ibabaw lalo na kung anjan ang mga suliranin sa buhay buhay. ang mga pagsubok at mga hirap. Tao lang din tayo, hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi naman pwedeng masaya lang hanggang dulo. Hays!

Ngayong gabi, wala kaming imikan session ni mother earth :-( dahil na naman sa walang katapusan na issue namin. Ang hirap lang sa feeling na hindi kayo okay, di mo alam kung saan mo sisimulan, hindi mo alam kung paano mo lalapitan, kakausapin, o kaya lalambingin. Hindi kami sanay sa mga ganung gawain na kapag may problema o tampuhan e lalambingin na lang basta o kaya naman tatanungin ng deretsahan na kung okay ka lang? When the problems is between mother and daughter its hard and complicated. I can't stand with this situation :-'( Parati na lamang ganito, kung may magagawa nga lang ako edi sana hindi ganito. Nakakaiyak !!! ang bigat sa pakiramdam na alam mong may sama ng loob sayo ang magulang mo hays. Siguro yung iba may magagawang mga solusyon pero ako? wala! mahina ako e. Sobrang hina pagdating sa problema. Ito talaga ang greatest weakness ko. I can't handle with myself only. Kelangan ko ng guide and advice from others. Huhuhu

Paano na? nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon. May sinend pa sakin ate ko na chat ni mama, at alam kong sa bawat salita na binitawan niya e mahirap at masakit para sa kaniya. Nakakakonsensya bilang anak na nagkakaganun ang magulang mo dahil sa sarili niyong kapabayaan kaya kung ano sa inyo, value your parent the most! Sila ang pinaka-mahalagang tao dito sa mundong ating ginagalawan. "Sorry ma, sorry sa lahat. Diko man masabi sayo to ng harapan, pero sana maramdaman mo. Sorry kung nagagalit yung mga kapatid ko sayo ma, dahil sa kagagawan ko. Kasalanan ko naman talaga lahat e!"  Lagi ko pinapanalangin na maging maayos tayong lahat sa araw araw pero ako rin naman ang gumagawa ng way para magkagulo. Napaka-useless ko talagang tao. Di ako nararapat sa mundong ito. Sana kung mawawala man ako e yung hindi nila ako maalala o kaya naman yung madali nila akong makalimutan para hindi masakit sakin kung mawawala man ako. 

Hanggang dito na lang, 

Ang walang sawang,
          si Ako



No comments:

Post a Comment